Aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang P310-milyon na
2013 Annual Budget ng bayang ito.
Bago nag-adjourn ang SB sesyon nitong ika-18 ng Disyembre na
siyang huling sesyon nila sa taong ito ay nagawa nilang tapusin ang pagre-rebyu
sa mga alokasyong pondo ng bawat Department ng LGU Malay sa pamamagitan ng
Budget Hearing.
Kung maaalala, ang halaga ng annual budget na ito ng Malay na
P305-milyon ay ginawang P310-milyon nitong huli.
Ito ay upang matustusan ang pangangailan ng Municipal
Economic Enterprise Development o MEED Department at iba pang programa.
Napapa-wow at nalulula naman ang ibang miyembro ng
Sanggunian sa milyon-milyong pundo ng Malay para sa susunod na taon, na
nagpapakita lamang umano na mayaman na ang Malay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment