Siksikan ang loob at labas ng simbahang Katoliko sa Boracay
kagabi hindi pa man nagsisimula ang isinigawang misa para sa padiriwang ng Pasko.
Hindi na halos makapasok ang ilan sa mga huling dumating na
deboto sa Holy Rosary Parish Church sa dami ng tao.
Dayuhan man o Pilipino ay nag-abang sa misa na pinangunahan
Rev. Fr. Arnold Crisostomo na nagsimula bandang alas-nuwebe kagabi.
Lahat ay nagkaisa at nagkasama-sama para gunitain ang araw
ng kapanganakan ng ating Poong Hesukristo.
Kasayahan at ngiti naman ang naglalarawan sa lahat ng dumalo
sa pagtatapos ng misa kagabi n alas-diyes y media ng gabi.
No comments:
Post a Comment