“Generally peaceful.”
Ito ang mga salitang maaaring makapag-larawan sa pagdiriwang
ng Pasko ngayong taon dito sa isla ng Boracay.
Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, wala naman
umanong malalaking krimen na naganap sa isla ilang araw bago mag-Pasko.
Karamihan lamang umano ng mga naitatala ay mga petty crimes
tulad ng panggugulo dahil sa kalasingan at maliliit na kaso ng pagnanakaw.
Kaugnay ito, nagbilin pa rin ang kapulisan sa publiko na
patuloy na mag-ingat, lalo na sa mga nakawan.
Dapat umano ay ugaliing isara o huwag iwang bukas ang mga area
na maaaring magsilbing “entry point” ng mga magnanakaw sa isang bahay o
establishimiyento.
Importante din umanong manatiling alerto, dahil sa ngayon ay
mautak na ang mga magnanakaw at minu-monitor na nila ngayon ang isang lugar
bago pasukin at limasan ng pera at kagamitan. #pnl122012
No comments:
Post a Comment