Malapit na umanong maabot ang 1.2 milyong tourist arrival sa
Boracay ngayong 2012.
Kung saan isang linggo pa bago magtapos ang taong ito ay
tila umaapaw na umano ang mga pasaherong turista, lokal at dayuhan man na
dumarating sa Caticlan Jetty Port.
Nabatid mula sa Malay Municipal Tourism Office o MTO sa
Caticlan na dagsa talaga ang turista nitong mga nagdaang araw.
Kung saan bago mag-Pasko at mismo araw ng Pasko ay hindi
bumababa sa tatlong libong turista araw-araw ang pumapasok sa Boracay.
Bagamat ang 1.2 milyong tourist arrival na ito ay sobra na
sa isang milyong target tourist arrival target ngayong taong.
Kampante ang MTO na maaabot ang 1.2 milyon na bilang na ito
ng tourist arrival sa Boracay ngayong 2012.
Pero malalaman pa umano ito sa darating na Enero, dahil
hindi pa nila nabibilang lahat gayong ang datus ay makakalap pa nila hanggang
sa ika-31 ng Disyembre.
Samantala, sa trend o takbo naman ng tourist arrival sa
kasalukuyan, parami ng parami na umano ang pumupuntang turista sa Boracay. #ecm122012
No comments:
Post a Comment