Posted February 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Pagkatapos ng
mahigit dalawang taong renovation, nakatakda ng buksan para magbigay ng
serbisyo sa isla ng Boracay ang Phase 1 ng Ciriaco S. Tirol Hospital.
Ang proyekto na
pinondohan ng Department of Health o (DOH) at Department of Public Works and
Highways (DPWH) ay inabot ng mahigit isang taong renovation para sa pag-upgrade
ng ospital.
Ang inagurasyon
ng nasabing ospital ay pinangunahan ni Governor Florencio Miraflores, Malay
Mayor Ceciron Cawaling, Anita Aguirre, Ruth Jarantilla, representante mula sa DOH
at Lily Ann Eslabra Medical
Officer 4 ng bagong ospital.
Sa pagbubukas ng bagong ospital sa Boracay, malaking
hamon ito ngayon sa mga Staff at Doctor dahil ayon nga mismo sa Gobernador, mataas
umano ang inaasahan na serbisyo sa bagong ospital na ito lalo na’t ito ay isang
First-Class na ospital sa isla.
Kaugnay nito,
tatlong doctor at labing isang nurse ang meron ngayon sa naturang ospital kung
saan naghahanap parin sila ngayon ng dalawang doktor at nurses na aplikante.
Ayon pa kay
Miraflores, patuloy pa rin ang ginagawang construction para sa Phase 2 at 3 ng
ospital kaya hindi pa ito pweding magamit.
Itong ospital ay
hindi lamang sagot sa mga mamamayan ng Boracay kundi sagot rin sa matagal ng inaasam
ng mga Malaynon para sa mas agarang medikasyon.
Ang serbisyong
hatid ng phase 1 ay para sa mga Out Patient Department o emergency cases.
No comments:
Post a Comment