Posted February 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Nanlumo ang
mag-asawang French at Chinese National na nagsumbong sa Malay Police Station
matapos umano itong pagnakawan sa Caticlan Jetty Port.
Sa report ng
Malay PNP, kinilala ang dalawang biktima na sina Didier Patrouilleau, 46-anyos
at Yutin Niu, 30-anyos.
Salaysay ng
biktima sa mga pulis, hinihintay umano nila ang sasakyan papuntang Kalibo
International Airport (KIA) ng mapansin nilang bukas na ang kanilang bag at
wala na ang kanilang wallet.
Nabatid, na
naglalaman ang nasabing wallet ng mga credit card, ID at cash na nag-kakahalaga
ng mahigit P30, 000.
Samantala, nakita
naman sa CCTV o Close Circuit Television ang suspek na kumuha sa wallet ng
biktima subalit malabong matukoy ang mukha nito dahil sa malabong kuha.
Ang mag-asawa ay
nagbakasyon sa isla ng Boracay at pabalik na ang mga ito sa kanilang bansa nang
mangyari ang nasabing pagnanakaw.
Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang
Malay PNP hinggil sa nasabing insidente.
No comments:
Post a Comment