Posted February 3, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay
Bilang tugon sa nagyaring insidente at pagkamatay ng
turistang Koreano na si Ho Dong Eom noong taong 2015 sa Boracay, nagtungo ang
Korean Consul na si Lee Yongsang dito upang pag-usapan ang Pre-trial ng kaso.
Kasama ang ama ng biktima na si Peter Eom, nais nilang
harapin sa korte ang mga involve sa naturang kaso para malinawan sa mga nangyari
noong Agosto 25, 2015 na ikinasawi ng
anak dahil sa Helmet Diving.
Ayon sa Ama ng biktima, hindi umano siya naniniwala na nilapatan
ng agarang medikasyon ang kanyang anak dahilan ng kanyang pagkamatay.
Tatlo sa mga staff na nasa aktwal na operasyon noong
mangyari ang insidente sa naturang Helmet Diving ang pinatawan ng kaso sa korte
ang nandoon para pag-usapan at pagdesisyunan ang kaso.
Samantala ayon naman sa Ama ng biktima hindi siya
naghahabol ng anumang pera kundi ang tanging gusto niya lamang dito ay ang
taos-pusong paghingi ng patawad mula sa mga taong involve sa kaso.
Ani Eom, madami na umano ang naitatalang mga namamatay na
aksidente na kinabibilangan ng mga Korean National ngunit wala pa ring
nagbabago sa sistema sa bansa.
Nais nalang nito na maipabatid na bigyang halaga ang
seguridad at kaligtasan ng bawat turista na bumibisita sa isla.
Nais din nilang masiguro na maayos ang watersports
activity at may maayos na pasilidad para sa mga insidenteng nangyayari at
mabilis na aksyon sa mga kaso tulad ng nangyari sa kanila.
Kaugnay nito, ipinaabot ng konsul ng Korea na mahal ng
mga Koreans ang Pilipinas kaya dapat din itong mahalin at protektahan ang
Koreans sa Pilipinas gaya ng pag-protekta ng Koreano sa Pilipino.
Samantala, dinismissed na ang kaso sa gitna ng ama ng
biktima at tatlong helmet divers crew.
No comments:
Post a Comment