YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 30, 2017

Manoc-manoc Cargo Port, i-dedevelop- Maquirang

Posted January 30, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Napabilang ang Manoc-manoc Cargo Port area sa naganap na MOA signing ng Philipinne Ports Authority o (PPA), LGU Malay, Provincial Government at Manoc-manoc Barangay Council.

Sa pahayag ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang sa programang Boracay Goodnews ng himpilang ito, ang Memorandum of Agreement na pinangunahan ni Governor Joeben Miraflores ay para ayusin ang kasalukuyang pantalan ng cargo boats at barge sa nabanggit na Brgy.

Aniya, may nakalaan na umanong budget para sa contruction ng ipapagawang pantalan sa naturang lugar.

Kaugnay nito, parang piyer ang itsura ng gagawing cargo boats kung saan maglalagay umano ng dalawang rampa para sa pag-docking ng mga bangka.

Samantala, nagsurvey na umano ang PPA sa lugar at kung makumpleto na itong proyekto nakatakda itong i-turnover sa Department of Transportation o Dotr at ibibigay sa Probinsya kung saan sila na ang mag-uusap ng LGU-Malay at ng Barangay Manoc-manoc para dito.

Ang pagpapaayos umano ng cargo port sa Manoc-manoc ay malaking bagay sa mga negosyante at residente upang mapadali ang kanilang pagdala ng kanilang kagamitan at pang-negosyo sa isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment