Posted January 30, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Lalo pang pa-igtingin ngayon ang kampanya ng anti-
smoking ordinance sa bayan ng Kalibo sa paraan ng pag-a-anunsyo nito sa lahat ng
mga eroplanong lumalapag sa Kalibo International Airport .
Ito ay matapos na ipasa sa Sangguniang Bayan ang isang
resolution ng pag-play ng informative in-flight advisory sa lahat ng mga eroplanong
bumibiyahe sa Kalibo para na rin maiparating sa mga ito ang impormasyon may
kinalaman sa implementasyon nito.
Magugunitang nag-apela ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa
publiko kaugnay sa pagbabawal ng paninigarilyo bilang tugon na rin sa kanilang
ordinansa na “no smoking policy”.
Samantala, ayon naman kay Kalibo Mayor William Lachica, ang
ordinansa na “no smoking policy”ay magkakabisa sa buwan ng Marso.
No comments:
Post a Comment