Posted January 31, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nagkasundo ngayon ang Provincial Government ng Aklan at
Philippine Ports Authority o (PPA) sa 90 at 10 percent sharing ng kanilang
kita.
Pahayag ito ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang
sa himpilang ito, kaugnay sa naganap na Memorandum of Agreement ng Probinsya at
Philippine Ports Authority o (PPA) nito lamang nakaraang linggo.
Mismong Manager ng Philippine Ports Authority na si Atty.
Jay Daniel Santiago at Gov. Joeben Miraflores ang naging bisita sa naturang MOA
signing kung saan naging representante
rin DITO ng LGU-Malay si Vice
Mayor Abram Sualog.
Bukod dito, dinaluhan
ito ng Sangguniang Panlalawigan Aklan, Barangay Officials ng Caticlan at
Boracay at iba pang ahensya.
Nabatid na base sa pinirmahan na kasunduan ng Jetty Port 90 at 10% ang
kanilang sharing dito kung saan ang 90% umano ay sa probinsya habang ang 10%
naman ay mapupunta sa PPA.
Nakapaloob rin dito na ang development sa mga gagawing imprastraktura
ay gagastusan umano ng Probinsya sa loob ng apat na taon.
Kaugnay nito,
dati na umano nagpalabas ng Board of Resolution ang Philippine Ports
Authority o (PPA) na may 50-50 na sharing sa kita sa lahat ng seaports sa
bansa.
No comments:
Post a Comment