Posted February 2, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Taon- taon na lamang nagiging usapin sa isla ng Boracay
ang problema sa basura na siya ring ini-rereklamo ng mga residente dito.
Nabatid na nito lamang nakalapas na araw, isa umano sa
mga guro at maging mga magulang ng Manoc-Manoc Elementary School ang nagreklamo
hinggil sa mga basura na siyang nagiging dahilan sa pagka-antala ng kanilang
klase, maging ang epekto nito sa kalusugan ng mga ito dahil sa amoy na
nagmumula sa dump site.
Ang mga nakokolektang basura kasi sa buong isla ay idini-deretso
sa dump site sa Manoc-Manoc para sa
segregasyon nito kung saan ito ay lalagyan ng deodorizer.
No comments:
Post a Comment