Posted February 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Ito ang sinambit
ni Korean Consul Lee Yongsang nitong Martes sa isang pagpupulong sa isla ng
Boracay.
Nandito si
Yongsang sa Aklan upang dumalo sa Pre-trial sa kaso ng pagkamatay ng isang
Koreano noong Agosto 25, 2015 sa Isla ng Boracay dahil sa Helmet Diving.
Aniya, kilala ang
Boracay bilang isa sa dinadayong isla sa bansa kaya kailangan ng karampatang
aksyon para sa mga nangyayaring insidente sa kanilang kapwa Koreano dito, lalong-lalo
na sa mga water sports activity na kanilang kinukuha.
Nabatid kasi na ang
namatay na biktima na si Ho Dong Eom ay sumailalim sa Helmet Diving na kanyang
ikinamatay dahil umano sa kapabayaan ng naturang water sports crew kung saan ayon
naman sa ama nito na si Peter Eom, hindi ito naniniwala na nilapatan umano ng
agarang medikasyon ang kanyang anak kung kaya’t ito ang naging dahilan ng
pagkamatay nito.
Dagdag pa nito
ang pinaka-importante umano ay ang kaligtasan ng bawat isa na sumasailalim sa
mga water sports activity, paglapat ng angkop na medical care at ang tamang
sistema dito.
Kasama ng Korean
Consul ang Ama ng biktima sa ginanap na pre-trial upang makaharap ang tatlong
crew na nasa likod ng insidenteng ito.
Samantala,
nagpasalamat naman ang tatlong involve sa naturang kaso dahil pinatawad sila ng
Ama ng biktima at dismissed na ang kaso sa pagitan nila.
Ang biktima ay
kaisa-isang anak ni Peter Eom na kilala bilang Coffee Master sa Seoul, Korea.
No comments:
Post a Comment