Posted January 10, 2017
Ni Danita Jean A.
Pelayo, YES FM Boracay
Bumulagta sa bakhawan ang isang lalaki matapos mabaril sa
isinagawang buy- bust operation kaninang madaling-araw sa Sitio Lugutan, Brgy.
Manoc- Manoc, Boracay.
Kinilala ang suspek na si Rafe Diamante y Delumpa, 35-
anyos, tubong Nueva Valencia, Guimaras at temporaryong nanunuluyan sa nasabing
lugar.
Nangyari umano ang pamamaril pagkatapos matunugan ng biktima
na ang pulis na si BTAC Chief PSI Jess P. Baylon ang poseur buyer rason na
naglabas ito ng 38 revolver at akmang barilin si Baylon subalit hindi raw ito
pumutok.
Dahil nadama ng pulis na nasa panganib na ito kaya
pinutukan niya ito kung saan nagtamo ang biktima ng mga tama sa dibdib na
naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Sa imbestigasyon, narecover ang isang suspected drugs sa
isinagawang buy- bust operation at pito pang hiwalay na suspected drugs na
nakuha sa katawan ni Diamante, buy- bust money, tatlong daang unmarked money at
isang cellphone na naglalaman umano ng mga drug transactions.
Nabatid sa ginawang imbestigasyon ng Scene of the Crime
Operatives, nagtamo ito ng anim na tama ng bala sa katawan kung saan apat dito
ang tumagos sa likod.
Ang buy bust operation ay pinangunahan ng Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC), Aklan PSC, Provincial Anti-Illegal Drugs and Special
Operations Task Group (PAIDSOTG), 605th Maritime Police Station, 12th
Infantry Battalion-Tactical Interface Unit, MIG-6 at PDEA RO-6.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng SOCO
tungkol dito kung saan ang bangkay ng biktima ay dinala na sa Prado Funeral sa
bayan ng Malay.
No comments:
Post a Comment