Posted January 11, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Ito’y dahil inilipat
ng muli ang pagkuha ng naturang Police Clearance sa Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) simula Enero 16 taong kasalukuyan.
Nabatid kay SPO1
Christopher Mendoza ng BTAC, may itatalaga umanong Police Personnel ang Malay
PNP para sa pag-proseso ng mga kukuha ng police clearance sa kanilang himpilan.
Aniya, ito
umanong paglipat muli sa Boracay ay pinag-usapan ng LGU-Malay, Malay PNP at
Boracay PNP.
Kung matatandaan,
marami na umanong natatanggap na reklamo ang LGU mula sa mga manggagawa sa isla
dahil sa kailangan pa nilang tumawid ng mainland at gumastos ng mahal upang
makakuha ng police clearance.
Nabatid na ang
kailangan lamang mag-process ng Police Clearance ay Municipal Police Station at
hindi kagaya ng Boracay Tourist Assistance Center na isang Mobile Station na
para lamang sa mga turista.
No comments:
Post a Comment