Posted January 7, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Aarangkada na ang inaabangang selebrasyon ng Kalibo Santo
NiƱo Ati-Atihan Festival 2017 sa bayan ng Kalibo kung kaya’t simula sa araw na
Lunes nakatakda na ang pag-deploy ng mga security forces sa mga kalsada ng
naturang .
Ayon kay Public Information Officer ng KASAFI na si Boy
Ryan Zabal, nasa mahigit 400 mga pulis ang i-dedeploy dito, kasama ang mga
kasapi ng Force Multipliers kung saan magbabantay ang mga ito sa ilalagay na
labing-anim na Police Assistance Centers, Traffic at Security.
Kasabay nito, pina-alalahanan naman ng KASAFI ang mga
makikibahagi sa selebrasyon na sumunod sa ipinapatupad na ordinansa partikular
na sa pagbabawal ng pagdadala ng mga babasaging bote ng inumin habang
nakikisabay sa mga nagsa-sadsad.
Umapela din si Zabal sa mga magsasadsad na bigyan ng daan
ang 30 partisipanteng tribu sa gaganaping Street Dancing Competition ng sa
gayon ay maging maganda at hindi magulo ang naturang presentasyon.
No comments:
Post a Comment