Posted January 12, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Labis ngayon ang pangamba ng Sangguniang Bayan ng Malay
patungkol umano sa balak na online petition hinggil sa problema ng drainage
system sa Bolabog, Boracay.
Sa 2nd Regular Session ng SB-Malay nitong
Martes, naging Privilege Speech ni SB Member Nenette Aguirre-Graf ang tungkol
umano sa balitang kanyang nakalap na nakatakdang mag-file ng online petition ang
mga residente sa Bolabog dahil sa masangsang na amoy na inilalabas sa drainage
.
Aniya, hindi lang ang Bolabog ang maapektuhan nito kundi
ang industriya ng turismo ng Boracay lalo na sa mga turista na dumadayo dito.
Dagdag pa nito na napakasama sa imahe ng Boracay ang
usaping ito oras na umusbong itong issue sa social media na napaka-kapangyarihan
ang dala nito sa mga tao sa panahon ngayon.
Samantala, tinanong ni Vice Mayor Sualog si SB Graf kung
na-idulog niya na ba ito sa opisina ng Mayor kung saan sinagot naman ito ni
Graf na hindi pa kasi noong nakaraang linggo niya lang narinig ang tungkol sa petisyon.
Sa rekomendasyon ni Sualog, dapat na umanong magpulong o
makipagkita si SB Graf sa opisina ng alkalde kasama ang representante ng
Boracay Water Company (BIWC) upang pag-usapan ang sulusyon na dapat gawin ukol
dito.
No comments:
Post a Comment