Posted January 10, 2017
Ni Danita Jean
A.Pelayo, YES FM Boracay
Tiniyak na ng Caticlan Jetty Port Administration na
maraming malalaking cruise ship sa mundo ang bibisita sa bansa partikular sa
isla ng Boracay sa 2017.
Nakatakdang dumaong sa isla ng Boracay ngayong taon ang
inaabangang 15 mga cruiseships.
Sa panayam ng himpilang ito kay Jettyport Special
Operation III Jean Pontero ng Caticlan at Cagban Port, sa buwan ng Enero 28 ay bibisita
ang isang returning vessel sa isla.
Kaugnay nito, inaasahan din ang pagdating ng limang mga cruiseships
sa buwan ng Pebrero at may inaasahan pang limang dagdag maliban sa labin-limang
darating ngayong taon.
Samantala, ayon kay Pontero patuloy pa rin ang improvement
construction sa Cagban Port.
Nitong nakaraang taon, nabatid na nasa sampung cruise
ship ang bumisita sa isla.
No comments:
Post a Comment