YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, January 11, 2017

Mandatory Drug test sa LGU ng Malay, nakatakda nang simulan

Posted January 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dahil sa mas pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga ng kapulisan sa ilalim ng Duterte administration, sisimulan na ngayon ang Mandatory Drug Test sa lahat ng mga organisasyon at kooperatiba at maging ang mga empleyado sa local na pamahalaan sa bayan ng Malay.
Kahapon sa 2nd Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay, sa pangunguna ni Honorable Dante Pagsuguiron sinabi nito na kailangan na umanong sumailalim sa drug test ang mga akreditadong establisyemento sa Malay bago ang renewal ng Mayors Permit.

Ani Pagsuguiron, ito ay upang malaman kung sino ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga na mabilis namang sinang-ayunan ni SB Gallenero.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Vice Mayor Abram Sualog na isama na ang mga empleyado ng mga resorts at mga establisyemento total sasailalim na ang lahat ng mga organinasyon at kooperatiba sa requirement na drug test.

Samantala, para ma-abisuhan umano ang lahat sa bagong ipapatupad, nais ni Gallenero ngayon na pasulatan ang mga establiyemento para malaman ito.

No comments:

Post a Comment