Posted January 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa 214 na
apektadong barangay sa iligal na droga, umabot na ngayon sa 84 barangay ang
malinis sa droga.
Ayon kay Police Chief
Inspector Bernard Ufano, ng Provincial Intelligence Branch, malaking tulong
umano sa kanila ang pinaigting na
barangay drug operation.
Sa din pamamagitan
umano nito ay magiging madali na rin ang kanilang drug clearing operation dahil
sa pagka-aresto ng mga drug personalities na nagbebenta ng ipinagbabawal na
gamot.
Nabatid na
kakaunti nalang umano ang stock ng shabu at iba pang iligal na droga sa
probinsya kung saan sanib pwersa sila ngayong taon na maaresto ang mga natitira
pang nagbebenta ng droga o pusher.
Samantala,
mahigpit naman ang kanilang pagbabantay sa pagpasok ng iligal na droga ngayong
kapiyestahan ng Kalibo Santo Nino Ati-atihan festival at iba pang bayan na may
kapareho ring selebrasyon.
Bukod dito, simula
ngayong araw ay nakabantay na ang hanay ng mga kapulisan sa Kalibo, ito’y para
sa mabantayan ang seguridad ng mga turista at residente lalong-lalo na ang
pagdating ng mga kandidata ng Miss Universe 2017 sa Enero 14 at ASEAN summit sa
Boracay.
Ayon pa kay Ufano,
ang masugpo ang iligal na droga sa ilalim ng Duterte Administration, ang isa
umano sa kanilang accomplishment sa nakalipas na taong 2016.
No comments:
Post a Comment