Posted January 10, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ni Deputy Chief PSInp. Jose Mark Gesulga
ng Boracay PNP, kung saan wala naman umanong malaking kaguluhan ang nangyari sa
buong selebrasyon simula Sabado hanggang linggo ng gabi.
Bagama’t may nai-rekord sa kanilang himpilan na isang
kaso ng pag-a-away ngunit ito aniya ay bunga lamang ng kalasingan kung saan sa
ngayon nga ay na-inquest na sa bayan ng Kalibo.
Maliban dito, dahil na rin sa pagtutulungan ng mga force
multipliers sa pagbabantay ng seguridad kung kaya’t naging matagumpay ang lahat
ng mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon.
Sa kabilang banda naman, patuloy umano ang kaliwa’t kanan
nilang meeting para naman sa pagbibigay ng mga guidelines, rules and
regulations sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin para sa mga susunod
pang event dito sa isla ng Boracay lalo na ang papalapit na pagbisita ng Miss
Universe 2017 Candidates at ASEAN Summit.
No comments:
Post a Comment