YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 03, 2013

Mga nagkakalkal ng basura sa Front Beach, target ng Solid Waste Management sa Boracay

Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay

Mga nagkakalkal ng basura sa front beach ng Boracay.

Ito ang isa sa pagtutuunan ngayon ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Malay sa Boracay.

Hindi lamang mga poster sa hindi common poster area ang target ngayon ng Solid Waste Management, kundi ang mga kabataang ito na dinadala din minsan ng kanilang mga magulang nila sa paghahanap buhay.

Ayon kay Island Administrator at Boracay Solid Waste Manager Glenn SacapaƱo, mula pa noong Lunes ay sinumulan na nila ang pagbabantay sa mga ito dahil nagiging problema na rin nila ito sa kasalukuyan.

Aniya, hindi nila kinokontra ang hanap buhay ng mga namamasurang ito at naghahanap ng mga plastic bottles, katunayan ay nakakatulong pa sana umano ang mga ito.

Pero ang ayaw lamang umano ng LGU ay kinakalat pa talaga ang laman ng basurahan, hinahalukay at iniiwan lamang, na siyang isa sa problema nila sa ngayon.

Kaya simula umano noong Lunes ng gabi mahigpit nila itong babantayan ngang sa gayon ay hindi rin mahirapan ang mga kolektor ng basura at maging maayos din ang Boracay lalo na sa mata ng mga turista.

1 comment: