Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay
Ipapatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Akelco sa Abril 12 ng taong ito.
Ito ay kasunod ng pag-aalala nila dahil sa napabalitang posibleng maging kritikal ang Boracay kung power shortage ang pag-uusapan.
Sapagkat may posibilidad na kukulangin umano ng suplay ng kuryente ang Visayas batay sa pahayag ng Department of Energy.
Kaya bilang paghahanda ng SB Malay, nais nilang malaman mula sa distributor ng kuryente na Aklan Electric Cooperative kung ano katotoo ang usaping ito.
Gayong malaki umano ang epekto nito para sa mga stakeholders, residente at investors sa Boracay pati na sa buong bayan ng Malay.
Bunsod nito, pati ang mga stakeholder, asosasyon at organisasyon sa isla ay isasama nila sa iimbitahang dumalo din.
Layunin ng SB sa pagpapatawag sa pamunuan ng Akleco ay upang malaman din kung may paghahanda na silang ginagawa kaugnay dito kahit na sa taong 2014 pa ito inaasahang mangyari.
No comments:
Post a Comment