Sobra-sobra pa sa inaasahang target collection ang aktwal na
nakolekta ng bayan ng Malay nitong nagdaang buong taon ng 2012.
Sa financial report na ipinalabas ng LGU Malay, mahigit
P32.2-milyon pa ang nadagdag sa kabuoang koleksiyon kumpara sa target na dapat
makolekta.
Sapagkat ang inaasahang lamang sana ay makapagkolekta ng
P251.3-M batay sa pagtaya.
Subalit sumubra pa ito ng sa aktuwal dahil nakapagkolekta ng
P283.6-M.
Kung saan ang Tax Revenue ang pinakamalaking sa lahat ng
koleksiyon sa aktuwal na umabot ng P67.4M, sinundan ng koleksiyon mula sa permit
& licenses na umabot ng P27.3M.
Habang ang koleksiyon naman sa garbage fee ay umabot ng
P13.2M mas mababa nga lang sa inaasahan gayong target sana na koleksiyon ay
P15M.
Pero bumawi naman sa Environmental Fee dahil sa paglubo ng
turista na nalampasan din target na isang milyong tourist arrival nitong 2012.
Kaya mula sa target na P36M ay umabot pa ito ng P52.6 sa
aktwal.
No comments:
Post a Comment