Kahit may balak na mangutang ang LGU Malay pambayad sa
balanse sa kontraktor na gumawa ng municipal land fill, mariing inihayag
ngayong batay sa 2012 financial report ng lokal na pamahalaan ng Malay na “very
good” ang financial health condition ng bayang ito.
Sa ulat ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre sa kapwa
nito konsehal nitong Martes, ika-2 ng Abril sa kanilang regular session, ibinalita
nito na napakalusog ng estado ng Malay pagdating sa usaping pinansyal ayon din
sa ulat na ipinalabas ng municipal accountant ng bayang ito.
Katunayan umano sa pagtapos ng taong 2012, ang Malay ay may
natira pang pera na umaabot sa P196-milion.
Maliban dito, tumaas din ng 24.7% ang kabouang asset ng
Malay, kung saan noong 2011 ay nasa P329-million lamang, pero napalago ito bago
pa man natapos ang taong 2012, kaya ay umabot na ito 408.4-million ngayon.
No comments:
Post a Comment