Ni Kate Panaligan, YES FM/Easy Rock Boracay
Ikinatuwa ng Sangguniang Bayan (SB) ng Malay ang plano na
paglalagay ng National Bureau of Investigation (NBI) extension office sa
Boracay.
Ito ay matapos na ihayag kahapon ni SB member Jupiter
Gallenero sa kanyang privilege speech, na nagplalananong maglalagay ng
extension office dito sa Boracay ang NBI.
Ayon kay Gallenero, nakausap niya si NBI Regional Director
Region 6 Manuel Almendares, ukol sa plano nitong magpatayo ng extension office
sa isla.
Layunin nito upang hindi na mahirapan ang mga tao sa Boracay
at buong Aklan at ilang kalapit na
probinsiya sa pagkuha ng NBI Clearance kaysa pumunta pa sa Iloilo.
Kaugnay nito, humiling ng tulong ang NBI sa LGU Malay na
maglagay din sila ng tao na siyang magpoproseso ng NBI Clearance.
Kahit na magpapadala din umano ng NBI Personnel sa extension
office na ito.
Positibo naman tinanggap ng mga konsehal ang planong ito ng
National Bureau of Investigation.
No comments:
Post a Comment