Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay
“Kahit kakaunti lamang sila at kulang talaga sa tao ay
mina-maximize na lamang umano nila ang kanilang mga resources.”
Ito ang sitwasyon ng police station sa mainland Malay, dahil
sa 19 na police personnel at isang opisyal lamang mayroon sa ngayon ang PNP station
doon.
Ibig sabihin, may 20 pulis lamang ang bayan na
kinabibilangan ng Boracay, taliwas naman ito sa sitwasyon ng himpilan sa islang
ito na mayroong mahigit 100 pulis.
Ayon sa bagong hepe ng Malay na si S/Insp. Reynate Jomocan,
bagamat mahirap para sa kanila na kulang talaga sila sa tao, may sapat na
koordinasyon naman umano sila sa mga Barangay Tanod sa iba’t-ibang barangay sa
Malay at naririyan naman ang mga Municipal Auxiliary Police (MAP) na katuwang
nila.
Ganoon pa man, sinubukan na rin umano nitong humihingi ng
kahit limang karagdagang pulis sa Provincial Director.
Subalit dahil sa mas kailangan ng pwersa ang pulis sa
Boracay lalo na nitong Mahal na Araw at ngayong summer season na rin, ay hindi
umano napagbigyan ang kaniyang hiling.
Pero paglilinaw ni Jomocan, kulang man sila sa tao ay
nagagawa naman nila ang kanilang tungkulin ng maaayos lalo na ngayon nalalapit
na ang eleksiyon.
Samantala, gaya ng sinabi ni Malay Acting Comelec Officer Feliciano
Barrios na sa ngayon ay wala pa naman
itong nakikitang magiging problema sa bayang ito may kaugnayan sa nalalapit na
halalan, inihayag ng nasabing hepe na wala namang banta sa seguridad ng buong
bayan at katunayan ay peaceful naman umano ang Malay.
No comments:
Post a Comment