Kasabay ng pamamayagpag ng Boracay sa panahong ito, lalo na
at super peak season na, dumadami na rin ang problema sa isla.
Dahil dito, tila seryoso at mataas na uri ng pagmentina naman
ang kailangan sa kasalukuyan partikular sa mga daanan ng mga turista lalo na sa
main road.
Sapagkat ramdam na rin ngayon ang pagdami ng basurang
itinatambak sa tabing kalye na naghihintay na makuha ng mga garbage truck, pero
inaabot na ng alas otso ng umaga ay naroroon pa rin.
Ito ay kasunod din ng pagdagsa ng mga turista, at pagka-fully
booked ng mga resort o hotel sa isla ng pumasok itong Chinese New Year.
Matatandaang inihayag ni Department of Tourist officer in charge
sa Boracay Tim Ticar na halos puno na ng reservation at mga bisita ang mga
resort dito.
Maliban sa basura, mabigat na trapik na rin ang mararanasan
sa main road, dagdagan pa ng pahirapan sa pagsakay dahil sa punuan ang mga
tricycle at ang iba naman ay inaarkila ng mga dayuhang turista.
Samantala, inaasahan pang magtutuloy-tuloy itong sitwasyon
sa kalye lalo na at nalalapit na rin ang Mahal na Araw at summer season. #ecm022013
No comments:
Post a Comment