Naunang mag-hamon ang boat captain sa MAP.
Ito ang mariing nilinaw ni Rommel Salsona, hepe ng Malay Auxiliary
Police sa panayam nitong kahapon.
Kaugnay ito sa umano’y away at hamununan ng barilan ni MAP
Member Jose “Jo” Delos Santos at Kapitan ng bangkang pang-Island Hopping na si
Ramil Ignacio kahapon ng umaga.
Ayon kay Salsona, batay sa pangungusisa nito sa MAP Member,
nauna umanong hinamon ng boatman ng barilan ang MAP.
Taliwas naman ito sa reklamong ipina-abot ni Ignacio sa pulisya.
Paliwanag pa ng hepe ng MAP, ang miyembro nilang si Delos
Santos ang na-assign sa station 3 area para magbantay at magkontrol sa mga
dadaong na bangka at aalis upang hindi magsiksikan ang mga ito.
Dahil sa limitado lamang ang lugar na inilaan ng lokal na
pamahalaan para sa mga bangka doon.
Kung saan doon umano nagkaroon ng argumento, pero ang boatman
umano ang naunang nanghamon at maraming saksi aniyang nakakapagpatunay doon.
Dahil dito, bukas ay naka-takdang aksiyunan umano ng MAP ang
problemang ito para mapanagot at mapagharap ang mga sangkot.
Samantala nabatid naman mula kay Rey Fernando, Operation
Manager ng Boracay Island Hopping Association o BIHA na bukas ay nakatakda na
rin nilang ipatawag ang kapitan ng bangka na si Ignacio para kunan din ng
pahayag at pagpaliwanagin. #ecm022013
No comments:
Post a Comment