Pormal nang iprenisinta nitong umaga sa Sangguniang Bayan ng
Malay ang detalye kaugnay sa under water tunnel.
Ito ay matapos na dumalo sa sesyon ng SB si Istvan Tapai ng
Pharcos Philippine Incorporated upang ilatag kung ano ang magiging pakinabang ng
under water tunnel na magkokonekta sa Caticlan at Boracay.
Pero sa kabila ng mga magagandang dulot umano para sa isla ng
proyektong ito makaraang napag-alaman ng konseho mula kay Tapai.
Duda pa rin ngayon ang SB kung tatanggapin nila ang alok na
ito, lalo pa at napakamahal pala ng proyekto at hindi pa malinaw kung nakahanda
ang Pharcos o may intresadong grupo o investor na siyang gagastos para
maisakatuparan ito.
Ayon kasi kay Tapai, mas mainam talaga kung mismo ang lokal
na pamahalaan ng Malay ang gumastos para pag-aari na mismo ng bayan.
Subalit ang excitement ng mga konsehal hinggil sa under
water tunnel ay tila naglaho, lalo na nang marinig naman ng mga ito na bilyones
pala ang halaga.
Ito ay sa kabila ng una nang pahayag ni Tapai na 5-10% na
makakatipid ang LGU Malay kaysa sa tulay na binabalak nila.
Ang tunnel umanong ito kapag nagkataon na magsisilbing
daanan ng mga sasakyan mula Caticlan papuntang Boracay ay nasa $43-milyon
hanggang $45-milyon, na inaasahang matatapos sa loob ng anim hanggang siyam na
buwan. #ecm022013
No comments:
Post a Comment