Nakaka-alarma na, ang dalawang sunod-sunod na reklamo ng
pagkawala ng motorsiklo sa Boracay nitong umaga.
Sapat kung kaninang ng alas 5:30 ng umaga ay ang 35-anyos na
tricycle driver na si Remar Rimes ang unang nagreklamo.
Nang tangayin umano ng hindi nakilalang tao ang kaniyang
motorsiklo na iniwan sa Sitio Bantud Barangay Manoc-mano para makapasada siya
ng tricycle kagabi.
Ngayon isang habal-habal driver naman na nag-ngangalang Oliver
Casimero ang nagreklamo dahil sa ang kaniyang motorsiklo na ginagamit at
pag-aari ng isang Jun Morata ay nawawala din nitong umaga.
Kung saan iniwan umano nito sa labas ng kanilang bahay sa Sitio
Ambulong Brgy. Manoc-manoc din.
Kung saan sa pangungusisa umano ng nagrereklamo na ito, may
nakapansin na kinuha ng hindi nakilalang tao ang nasabing sasakyan.
Ang reklamo na ito ni Casimero ay ilang oras lang ang
nakakalipas matapos magpa-abot ng report sa himpilan ng Pulisya sa Boracay si
Rimes na gaya nito ay biktima din, na kapwa ngayong umaga lang din napansin na
wala na ang kanilang mga motorsiklo.
Samantala, wala pang komento sa ngayon ang Boracay Tourist
Assistance Center o BTAC sa bagay na ito. #ecm022013
No comments:
Post a Comment