Naging emosyunal ang Malay-Boracay Vendors, Peddlers and
Ambulant Masseurs, Manicurist Association (MABOVEN).
Lalo na ang kanilang president na si Adelfa Cuesta sa
pagtatapos ng committee hearing kahapon kung saan nagharap-harap ang mga
implementors at vendors sa Boracay na ipinatawag ng Sangguniang Bayan ng Malay.
Kasama sa mga pinasalamatan ni Cuesta ang mga opisyal ng
Malay dahil silang mga vendors ay nabibigyan din ng halaga bilang bahagi ng
tourism industry ng isla.
Ito ay makaraang magpahayag ang lokal na pamahalaan ng Malay
na hahanapan nila ng puwesto ang mga vendors na ito para hindi sila nakakalat
at lumabas na “eyesore”.
Ayon kay Cuesta, maganda na rin umanong nangyari ang
ganitong pagkikita dahil napag-usapan ang mga problemang kinahaharap nila
bilang mga vendors sa mga batas na ipinatutupad sa isla, partikular na sa Brgy.
Balabag, at bahagya na itong nalinawan.
Kasabay ng mga pasasalamat ni Cuesta ay humingi din siya ng
pasensya kung mayroon man silang mga nalabag na ordinansa dahil sa kanilang mga
pagkukulang .
Matatandaang naghatid ng konplikto ang Municipal Ordinance
181 o ordinansang nagre-regulate sa mga vendors sa isla na ipinatupad sa Brgy.
Balabag noong unang araw ng Pebrero taong kasalukuyan.
Dito ay mahigpit na ipinagbawal ni Brgy. Capt. Lilibeth
Sacapano ang mga vendors sa front beach na sakop ng kanyang barangay na
inalmahan naman ng mga vendors sa isla. #pnl022013
No comments:
Post a Comment