YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 15, 2013

Sitwasyon ng reklamasyon sa Caticlan, delikado na


Aminado ang Provincial Engineers Office o PEO na delikado na ang sitwasyon ng reklamasyon sa Caticlan.

Ito ay kapag hindi pa maituloy ang ginagawang pagtatambak doon, lalo na at kinakain na ng alon ang mga bato, lupa at buhangin inilagay doon.

Aniya, delekado ito ayon kay Engr. Edilberto Magalit, Provincial Engineer ng PEO, dahil baka masira na lamang ang inumpisahang proyekto ng ganon-ganon na lang sapagkat natatangay lang ng tubig.

Nilinaw din nito na hanggang sa ngayon ay wala pa ring update hingil sa proyekto ito kung kaylan balak na ituloy.

Kung saan tanging ang pagbawi ng Supreme Court sa Temporary Protection Order o TEPO lamang umano ang pag-asa nila na makaka-usad na ang proyekto sa Caticlan na natigil ng mahigit isang taon na ang nakakalipas.

Matatandaang, ipinatigil ang pagtatambak dahil sa humiling ng TEPO ang Boracay Foundation Inc. o BFI sa korte sa paniniwala na makakapagdala ito ng masamang epekto sa kapaligiran sa nasabing lugar. #ecm022013

No comments:

Post a Comment