Tila musika naman sa tainga ng mga pasahero ang paglilinaw
nito na sa ngayon ay wala pang klaro kung kaylan ipapatupad ang mataas na
paniningil sa Terminal Fee sa nasabing airport.
Sa kasalukuyan kasi ay hinihinatay parin umano nila ang
order o utos mula sa higher office ng Civil Aviation Authority of the Philippines
o CAAP kaugnay sa implementasyon nito.
Kaya kahit dumagsa man ang maraming turista na nagreresulta
sa pagsikip ng KIA Terminal.
Aasaahang magandang balita parin ito sa mga pasahero ng
domestic at international flights man, dahil hanggang sa ngayon ay ang mababang
Terminal Fee parin ang babayaran ng mga ito.
Matatandaang buwan ng Hunyo ay may proposisyon ang KIA sa
CAAP na itaas na rin ang singil sa Terminal Fee na binabayaran ng mga pasahero
dito.
Kung saan sa kasalukuyang ang domestic flight ay apat napung
piso lamang, at kapag na ipatupad ang bagong bayarin sa Terminal Fee ay
magiging dalawang daang piso na ito.
Habang ang mga may international Flight ngayon ay nagbabayad
ng limang daang piso, aasahang magiging pitong daang piso na ito kung sakali. #ecm112012
No comments:
Post a Comment