Ang dalawang nabanggit ang may pangunahing kontribusyon sa
koleksiyon ng lokal na pamahalaan ng Malay kaya naabot ang P305 milyon na pondo
para sa buong taon ng 2013 mula sa kasalukuyang taon ng 2012 na mahigit P280
million.
Ito ang nabatid mula sa Municipal Treasurers Office kay
Municipal Treasurer Dediosa Dioso sa isang eksklusibong panayam.
Aniya, ang bayad ng mga stakeholder at residente sa Boracay
sa garbage fee at buwis mula sa mga negosyo ang mga pangunahing contributor sa
lumaking koleksiyon ng LGU Malay.
Aminado din si Dioso na malaki din ang naitulong ng mahigpit
na implemantasyon ng mga ordinansa sa Boracay, sapagkat malaki rin ang
nakoleksiyong naipasok sa cavan ng ng bayan mula sa mga fines at penalty.
Samantala, ipinaliwanag din nito na ang 75% ng koleksiyon
mula sa Environmental Fee sa Caticlan at Cagban Jetty ay napupunta sa gastusin ng
Solid Waste Management, habang ang natitirang 25% ay para naman sa Programa ng
Municipal Tourism at Environment.
Kung maaalala, ang pamahalaang probinsiya ng Aklan at LGU
Malay at naghahati sa koleksiyon mula sa Environmental Fee, kung saan 15% ang
napupunta sa probinsiya at 85% sa LGU Malay. #ecm112012
No comments:
Post a Comment