YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, November 26, 2012

Mga empleyado ng LGU Malay, nakatanggap na ang 13 Month Pay

Naibigay na ang 13th month pay sa mga empleyado ng LGU Malay.

Pero ang Productivity Enhancement Incentives o PEI ay wala pang linaw sa ngayon.

Ito ang inihayag ni Dinky Maagma, Municipal Human Resources Officer ng Malay sa panayam dito.

Aniya, naibigay na ang 13th month Pay ng mga Regular at Casual na empleyado ng LGU Malay, gayong ang benipisyo gaya nito ay maaari naman umanong tanggapin ng mga empleyado bago mag-Pasko, pero hindi naman ganon ka-aga sa natatanggap ito bago ang ika-15 ng Nobyembre.

Nilinaw din nito na lahat ng mga Job Order ng lokal na pamahalaan ng Malay gaya ng Life Guard sa Boracay at Malay Auxiliary Police o MAP ay walang natanggap na 13th month pay, dahil para sa regular at casual lamang ang mga ito.

Nabatid din mula kay Maagma, wala pang utos sa kanila ang Punong Ehekutibo kaugnay sa pagbibigay ng Productivity Enhancement Incentives sa bawat empleyado.

Wala din umano silang alam kung magkano ang alokasyon para sa PEI nila.

Samantala, sa kasalukuyan ay tinatalakay palang sa deliberasyon ng Sangguniang Bayan ang halaga ng ibibigay na pondo para sa PEI ng mga empleyado ng Malay. #ecm112012

No comments:

Post a Comment