Makalipas ang isang taon ay muling ipinagdiwang ng bayan ng
Malay ang Social Welfare Week.
Ito ang kinumpirma ni Malay Municipal Social Welfare and
Development Officer Magdalena Prado, sa panayam ng Yes FM News center Boracay.
Sa pamamagitan ng temang “Pagkakaisa, Pagsama-sama, at Patuloy
na Pagtutulungan” ay inilatag ng MSWD ang iba’t-ibang aktibidad sa mismong
plaza ng Malay.
Tampok sa isang linggong pagdiriwang ang iba’t-ibang laro
katulad ng basketball at volleyball para sa mga kalalakihan at kababaihan; dama
at sungka para sa mga senior citizens, solo parents at mga out-of-school-youth.
Napag-alamang maging ang may mga kapansanan ay hindi nagpahuli
sa pagsali sa mga excibition games, habang ang mga parlor games naman ang
inihanda ng MSWD para sa mga bata.
Samantala, isang leadership seminar naman ang ibinigay para
sa mga out-of-school-youth nitong nagdaang Martes, at orientation sa mga solo
parents nitong nagdaang Miyerkules.
Isang palatuntunan naman ang itinakda mamayang gabi para sa
pagbibigay ng awards sa mga nanalo sa mga nasabing paligsahan.
Sinundan ito ng “Bida Malaynon” variety show na lalahukan ng
mga taga iba’t-ibang sektor, kung saan magiging panauhing pandangal ang
mag-asawang Abegail at Mayor John Yap.
Maaga namang nagpaabot ng pasasalamat si Prado sa mga
nakilahok at sumuporta sa nasabing aktibidad.
No comments:
Post a Comment