YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, November 28, 2012

Kultura ng Koreans, ilalatag sa mga Pilipino para sa malusog na turismo ng Boracay

Kultura ng mga Koreans, ilalatag sa mga Pilipino para sa malusog na turismo ng Boracay.

Kaya ikinasa ang seminar para sa sapat na edukasyon hinggil sa kultura, buhay at ugali ng mga Koreans.

Ito ang nilalaman ng dalawang araw na simenar, na ikinasa ng Department of Tourism o DoT Boracay, kasunod ng lumalaki pang bilang ng Korean tourist arrival sa isla ito.

Suportado ng ASEAN National Tourism Organizations ang programang ito, sa layuning madagdagan ang kaalaman at antas ukol sa Human Resources Development o HRD gayong ang Boracay ay isang kilalang international tourist destination.

Sa programang ito, ipapaintindi sa paraan ng mga lecture at film viewing ang, kultura, turismo at wika ng mga Koreans, pati ang life style, para lubos na maunawaan lalo na ng mga front liners na nagbibigay serbisyo sa mga ito ang mga bagay na negatibo at positibo sa ganitong uri ng lahi.

Ang seminar na ito ay ginanap noong Nob. 26-27 na isinasagawa sa isang Resort sa Station 2.

Dinaluhan naman ng mga participants magmula sa iba’t ibang tourism professional, pampubliko man o pribado.

Ito ay kaugnay pa rin sa pinalagong target market ng Boracay na bansang Korea.

Kung maaalala, sa Boracay, ang mga Koreans ang nangunguna sa listahan ng mga tourist arrival hanggang sa ngayon. #ecm112012

No comments:

Post a Comment