Sa panayam kay Malonesio, hiniling nito ang pag-unawa sa
kalagayan ng terminal doon, kung saang resulta umano ito ng pagdami ng pasahero
papuntang Aklan lalo na ng Boracay.
Pero magandang indikasyon naman umano ito sa Tourism
Industry ng probinsiya.
Inihayag nito na naging masikip ang sitwasyon sa KIA dahil
sa halos sabay-sabay magsidatingan ang mga eroplano, domestic man o
international.
Kung saang ayon pa dito, aasahang ganito pa ang mga
sitwasyon sa palipaliapran lalo pa ngayong nadagdagan ang bilang mga mga
eroplano at flights, gayong nalalapit na ang Pasko at Ati-atihan sa bayan ng
Kalibo.
Ganoon pa man, sinabi nito na huwag sanang magalit ang mga
pasahero sa kanila, dahil ginagawa naman nila ang kanilang makakaya para
matugunan ang problemang kinakarapan nila sa ngayon. #ecm112012
No comments:
Post a Comment