Ayon kay PPC President Jony Salme, nagagalak sila sa tulong
na nais ipaabot sana ng LGU Malay para mapasaya at gawing makulay ang
silibrasyon ng Ati-atihan dito.
Subalit, ang mga tribu na umano ang nagpahayag na nais parin
nilang gawin at panatilihing simple, tradisyonal at debosyonal lamang ang selebrasyon,
na hindi yaong pang festival na gaya ng nais mangyari ng LGU Malay.
Ganoon pa man, welcome parin umano ayon kay Salme ang tulong
ng LGU Malay, lalo na at nais umano ng lokal na pamahalaan ay mapaunlad ang
selebrasyon.
Kaya suhistiyon umano ng mga tribu na taunang sumasali, na
sa halip aniya na magkaroon ng ilang araw na selebrasyon, bakit hindi nalang ito
ibigay bilang tulong sa mga tribu para sa kanilang mga costume at premyo.
Matatandaang binalak ng LGU Malay na hilingin sa simbahan na
ilipat sana ang skedyul ng Ati-atihan sa isla para mapaghanadaan ang
pagdiriwang.
Sa halip na isagawa ito ng isang araw, may posibilidad na
gawing itong tatlo hanggang limang araw, at magkakaroon ng ng iba’t ibang
aktibidad. #ecm112012
No comments:
Post a Comment