Dahil buwan pa lang ng Oktubre ayon kay Aklan Revenue
District Officer (RDO) Ricardo Osorio, naabot na ng kawaning ito ang mahigit P1.14
billion.
Kung titingnan sa target collection ng BIR mula buwan ng
Enero hanggang Oktobre ng taong ito ay tinataya lamang na aabot sa P752
million.
Subalit nalampasan pa ng BIR ang target collection para sa
buong taong ng 2012, na P913 million lamang dahil nasa P1.14 billion na sila
ngayon.
Ganoon pa man, natutuwa ito sa magandang collection
performance ng BIR dahil sa ngayong nagdaang buwan ng Oktubre palang ay umabot
na sa 63.88% ang itinaas ng koleksiyon nila kung ikukumpara noong nagdaang taon
na katulad na period kung saan mahigit isang daang milyong piso ang idinagdag sa
kanilang koleksiyon ngayon.
Samantala, sa kanilang pagtaya, sa nalalabing buwan na ito
ng Nobyembre at Disyembre, kapag makolekta ang lahat aasahang aabot pa ng P150
million, at ito ngayon ang sinisikap nilang maabot. #ecm112012
No comments:
Post a Comment