Posted March 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd) Malay ang
panawagan ni DepEd Secretary Armin Luistro na maging semple lamang sa mga isasagawang
graduation rites sa bansa.
Ayon kay Malay District Supervisor Jessie Flores, malaking
tulong ito sa mga magulang ng mga batang magtatapos ngayong taon dahil sa
makakatipid umano sila sa mga gastusin katulad ng pag-renta ng tuga o pagbili
ng mga damit na susuutin sa kanilang mga graduation.
Aniya, pabor siya na maging semple lang ang graduation rites
dahil ang mahalaga umano rito ay ang nakapagtapos sila ng pag-aaral.
Sinabi pa nito na hinikayat na niya ang mga school
principal sa bayan ng Malay na kung maaari ay school uniform nalang ang ipasuot
sa mga bata sa kanilang pagtatapos at dapat umanong maging solemn o simpleng
programa lang para iwas gastos.
Samantala, base sa ipinalabas na kalatas ng DepEd
nakatakdang isagawa ang graduation ceremony sa lahat ng antas sa Elementary at
Secondary Level sa bansa ngayong darating na Marso 26-27 ngayong taon.
No comments:
Post a Comment