Posted March 12, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Naka-iskedyul ngayon sa isang committee hearing ng
Ad Hoc Committee sa SP Aklan ang pagtaas ng kaso ng aksidente sa kalsada, kung
saan sangkot ang mga aso.
Sa ginanap na 16th Regular Session ng
Sangguniang Panlalawigan, napag-usapan ang patuloy na pagtaas ng ganitong kaso.
Ayon sa SP Aklan, mahalagang mapagtuunan ng pansin
ang mga asong palaboy-laboy lamang sa kalye o highway na syang isa sa mga naging
dahilan ng pagkakaaksidente ng mga motorista.
Magugunita na matagal na ring problema ang mga aso
sa kalsada dahil bukod sa naging sanhi ito ng aksidente, nagdudumi din ito at
minsa’y nangangagat sa mga taong dumadaan.
Kaugnay nito, hinihikayat naman ng Compassion and
Responsibility for Animals (CARA) ang lahat na e-report ang gumagalang aso sa
otoridad.
No comments:
Post a Comment