Posted March 9, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Magsasanib-puwersa na ngayon ang BTAC at PCG o
Philippine Coastguard upang tutukan ang cargo area sa Barangay Manoc-manoc.
Ito ang kinumpirma ni Boracay Tourist Assistance
Center OIC PSInsp.Frensy Andrade matapos ang apela nito ng suporta sa mga
miyembro ng BAG o Boracay Action Group para sa nalalapit na APEC Ministerial
meeting sa darating na Mayo.
Sa ginanap na Joint Flag Raising Ceremony nitong
umaga, sinabi ni Andrade na marami ang entry at exit points sa isla na dapat
bantayan laban sa anumang banta sa seguridad ng APEC hosting ng isla.
Kaugnay nito, aminado rin si Andrade na maluwag ang
seguridad sa cargo area kung kaya’t nag-usap na sila ng PCG upang mabantayan
ang lugar.
Samantala, sinabi pa ni Andrade na
makikipag-ugnayan din siya sa Maritime Police at mga taga Barangay Manoc-manoc.
Base naman sa mga impormasyong nakalap ng himpilang
ito, may mga sasakyan at mga motorsiklong walang permit to transport ang
malayang nakakadaan sa cargo area tuwing dis-oras ng gabi o madaling araw.
Maliban dito, naging daanan din umano ng mga
kawatan ang lugar na siya namang ikinabahala ni Andrade.
No comments:
Post a Comment