YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 10, 2015

Dahil sa agawan sa pasahero, isang van; nahulog sa palayan sa Numancia, Aklan

Posted March 9, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Nahulog sa isang palayan sa Tabangka, Numancia Aklan ang isang L300 Van matapos nitong dikitan at banggain ang isa pang van.

Ayon kay PO3 Willie Akidado ng Numancia PNP station, nagalit ang driver na si Ernesto Wares ng Pob. Lezo Aklan sa driver na si Abraham Tabasa, ng Tugas Makato Aklan.

Pinik-up umano kasi nito ang isang pasahero sa Pob. Numancia Aklan na papasakayin din sana ni “Ernesto”.

Dahil sa galit, dinikitan ni “Ernesto” si “Abraham” at sinunggaban, subalit nawalan umano ito ng kontrol at dumausdos ang kanyang sasakyan sa palayan.

Samantala, nagtamo naman ng minor injuries ang nasa apat na pasahero ni “Ernesto” habang wala namang nasugatan sa pasahero ni “Abraham”.

Kaugnay nito, impound pa rin sa himpilan ng Numancia PNP Station ang sasakyan ng dalawa habang hinahanda pa ang kanilang kaso.

No comments:

Post a Comment