YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, March 13, 2015

Pagsugpo sa mga illegal commissioners sa Boracay, nagpapatuloy

Posted March 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for commissioner in boracayMas “feeling safe”na ngayon ang mga turista habang namamasyal sa beach front ng Boracay.

Dahil ito sa mas pinaigting na police visibility sa umaga at gabi lalo na’t inaasahan ang pagdagsa ng mga turista ngayong summer season.

Subali’t maliban sa police visibility, kapansin-pansin ang patuloy na clearing operation ng mga kapulisan at Task Force Boracay Philippine Army laban sa mga ilegal na komisyoner sa Boracay.

Nabatid na daan-daang activity brochures na rin ang nakumpiska ng grupo sa halos mag-iisang buwan na rin nilang operasyon.

Samantala, kasabay nito, ikinatuwa ng mga turista lalo na ng mga foreign tourists ang pagpapatrolya ng mga kapulisan at Philippine Army sa beach at vegetation area dahil mistulang nabawasan na ang mga makukulit na komisyoner.

Magugunitang ilang ulit nang nakatanggap ng reklamo ang mga taga Department of  Tourism at maging ang mga taga Boracay PNP mula sa mga turista dahil sa panloloko at pang-i-estafa umano ng mga tinagurian ding pasaway sa isla.

No comments:

Post a Comment