YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 13, 2013

Turistang nabiktima ng pagkalunod sa Boracay kahapon, inilipat sa Kalibo

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dinala na sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang turistang nabiktima ng pagkalunod kahapon ng hapon.

Ito’y matapos mabatid mula kay Dr. Emy Joy Grijaldo ng Don Ciriaco Hospital na nasa kritikal na kondisyon pa rin ang biktima na nakilalang si Dan Alfred Mancenido, 23 anyos ng 89 NP Cruz, Taguig City.

Ayon sa rumespondeng Life Guard, nangyari ang insidente dakong alas-3:40 kahapon ng hapon, habang naglalaro ng frisbee ang mga kasama ng biktima sa beach front ng Station 1 Balabag.

Bigla na lamang umanong may sumigaw at humingi ng saklolo sa ilang grupo ding naroon at naliligo kung kaya’t mabilis na sumaklolo ang mga nagrorondang Life Guard.

Kaagad umano nilang sinaklolohan ang biktima at binigyan ng pangunang lunas, at dinala sa Don Ciriaco Tirol Memorial Hospital.

Naging emosyonal naman ang mga kasama ng biktima nang malamang kritikal pa rin ang kondisyon nito.

1 comment:

  1. He died at 9:15pm at the Surgical ICU of DRSTMH.

    ReplyDelete