Tumaas pa ang bilang ng mga motorsiklong hinuhuli at ini-impound ng MAP sa Boracay.
Katunayan, naka-hilera ang mga motorsiklong ito na naka-impound sa Boracay Action Center dahil sa iba’t-ibang violation o paglabag sa ordinansa.
Sa listahan ng mga nahuli nitong buwan ng Hulyo ay umabot sa mahigit apat na raan ang mga na-tiketan dahil sa walang ma-ipresentang Permit to Transport (PTT), walang driver’s license at hindi nagsusuot ng helmet.
Ang mas impresibo ay nitong unang linggo ng buwan ng Agosto kung saan 235 ang mga hinuli sa kahalintulad na paglabag.
Ito’y dahil mas pinaigting ng Malay Auxiliary Police (MAP) ang kanilang mandato, dahil na rin sa pagsikip ng trapiko at ang paghiling ng BLTMPC na hulihin ang mga kulorom at habal-habal sa isla.
Bagamat walang quota ang hulihan, tinatayang aabot sa 900 ang posibleng mahuhuli sa buong buwan ng Agosto.
Aminado naman ang pamunuan ng MAP na kulang pa rin sila sa tao para sa pang-gabing operasyon, subalit kampante umano sila na liliit ang bilang ng mga lumalabag.
Naging maganda raw ang resulta ng kanilang operasyon dahil na rin sa mga isinagawang workshop at operational development training noong nakalipas na buwan ng Hulyo.
No comments:
Post a Comment