Pinagpiyestahan ng mga residente at turista ang mga dumagsang talangka sa dalampasigan ng Boracay.
Pasado alas diyes kaninang umaga nang mapansin ng mga residente ang mga nasabing talangka kasabay ng mga inanod na halamang dagat, sanga ng kawayan at kahoy.
Si “Otip”, isang residente sa isla, ay halos mapuno ang dalang plastic bag ng mga nakuhang talangka, na ayon sa kaniya’y kanyang gagataan.
Mayroon ding nagdala pa ng balde at pinutol na plastic drum, lamang may mapaglagyan.
Maging ang mga Pilipinong turista ay hindi nagpaawat, at nakisali rin sa mga nangunguha ng mga talangka.
Paniwala ng mga lokal na residente, galing sa mga ilog ng karatig-bayan ang mga talangkang ito at dinala ng alon sa dalampasigan ng Boracay.
Payo naman ng iba, dahan-dahan sa pagkain ng mga talangka dahil maaari umanong ma-high blood nito.
No comments:
Post a Comment