Inaasahan ng Department of Tourism Boracay ang panibagong international flights mula sa bansang Singapore o Hong Kong.
Ayon kay DOT Boracat Officer In-Charge Tim Ticar, ngayong linggo ay may inaasahan silang darating na representatives ng Silk Air sa probinsya ng Aklan at Boracay para mag-inspeksyon sa mga lugar dito na maaaring puntahan ng mga turista na mula nasabing bansa.
Ilan sa mga iinspeksyunin nila ay ang pasilidad at kapasidad ng Kalibo International Airports, souvenir shops, shopping mall, mga bangka at maging ang traffic sa mga nasabing lugar.
Kasama naman sa nasabing iinspeksyon ay si Department of Tourism Regional Director Atty. Helen J. Catalbas.
Kaugnay nito, ikinatuwa naman ni Ticar ang patuloy na pagdagdag ng mga international flights sa Aklan na nagdadala ng maraming turista sa Boracay.
Kumpiyansiya naman ang DOT na malalagpasan nila ang kanilang target na 1.5 million tourist ngayon taon.
Samantala, pinaghahandaan na rin nila ang darating na peak season sa Oktubre kung saan dadagsain na naman ang Boracay ng napakaraming mga turista.
No comments:
Post a Comment