YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 12, 2013

DOT Boracay, nananawagan sa mga kinauukulan hinggil sa ginagawang kalsada sa Manoc-Manoc

Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Patuloy pa ring nananawagan ang Department of Tourism Boracay sa mga kinauukulan sa ginagawang konstraksyon ng main road sa Brgy. Manoc-Manoc.

Ayon kay DOT Boracay Officer in-charge Tim Ticar, nangangamba siya dahil sa maaaring magdulot ito ng aksidente lalo na at medyo delikado ang nasabing lugar na kadalasang nagkakaroon pa ng trapiko.

Ang tinutukoy na kalsada ay ang matarik at pa-akyat at papasok sa Sitio Tulubhan kung ikaw ay galing Balabag.

Aniya, kinakailangang maglagay ng MAP na magbabantay sa ginagawang kalsada dahil baka maulit umano ang nakaraang aksidente na ikinamatay ng isang batang babae.

Sa ngayon, may mga suhestisyon siya na  mangyari habang ginagawa ang pagkukumpuni ng kalsada sa Manoc-Manoc.

Gusto naman ni Ticar na makipag-ugnayan sa apat na ahensyang bumubuo ng nasabing proyekto na kinabibilangan ng MAP, barangay kapitan ng Manoc-Manoc, ang contractor ng proyekto at ang island administrator.

No comments:

Post a Comment